85

Oct 14, 2021 @ 19:29
By

Roque: 13th month hindi puwedeng pass muna

Hindi puwedeng hindi ibigay ng mga employer ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa kahit pa naapektuhan ng pandemya ang mga negosyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may batas hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay kaya dapat na sundin ito ng mga employer.

Hindi aniya pupuwedeng lumiban sa pagbibigay ng 13th month pay dahil obligasyon ito ng employer sa ilalim ng batas paggawa.

“Kung puwedeng ma-exempt iyong pagbabayad ng 13th month, ang sagot, hindi… dahil iyan po ay nasa batas,” ani Roque.

Kung hindi aniya kaya ng mga negosyante na magbigay, lalo na ang nasa small and medium scale industries na nahirapan dahil sa epekto ng pandemya, sinabi ni Roque matutulungan sila ng gobyerno sa pamamagitan ng Small Business Corporation.

May programa aniya ang gobyerno na magpahiram muna ng tulong pinansiyal sa mga maliliit na negosyante para makatulong sa kanilang problema lalo na ngayong holiday season.

“Magbibigay ng assistance ang gobyerno sa pamamagitan ng Small Business Corporation para doon sa mga small and medium scale industries na kinakailangan ng tukong pambayad sa 13th month pay,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?