341

By ,

Rookie Vanessa Gandler pasikat, Ateneo Lady Eagles dumagit ng panalo

Sharing is caring!

Nagpasikat agad ang Ateneo-Motolite Lady Eagles sa unang pagsabak nito sa Season 2 ng Open Conference ng Premier Volleyball League (PVL).

Nasikwat ng Lady Eagles ang una nitong panalo sa liga nang pataubin ang Pocari Sweat-Air Force Lady Warriors 25-23, 17-25, 25-20, 30-28 Linggo ng gabi, Setyembre 23, sa Imus Sports Complex, Cavite.

Nanguna para sa Ateneo ang mga beterano na sina Bea de Leon na may 19 puntos, at si Kat Tolentino may 12 puntos.

Naging malaking ambag din ang rookie na si Vanessa Gandler na may siyam na puntos.

Ito rin ang unang panalo ni coach Oliver Almadro bilang bagong coach ng Ateneo mula ng kunin niya ang pwesto noong Mayo.

Sa kabilang panig naman, isang magandang pagbabalik ito para kay Myla Pablo na pumoste ng 30 puntos habang may 16 na puntos naman si Jeanette Panaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }