47

Rookie Perkins pasiklab; Phoenix nilubak ang NLEX

Sharing is caring!

Nagpasiklab si rookie Jason Perkins ng 21 puntos, apat na rebounds at dalawang assists para galamayin kahapon ang Phoenix Petroleum sa paglubak sa NLEX 111-104.

Pangalawang sunod na ragasa na ito ng Phoenix sa PBA preseason play matapos ding payukuin ang Alaska Milk 89-85 sa Upper Deck Gym sa Ortigas, Pasig din noong Martes.

Sa game kontra Aces, nagsalansan ang 25-anyos, may anim na talampakan at tatlong pulgadang taas na Fil-Am forward at fourth overall pick sa Rookie Draft nitong Oktubre, ng siyam na puntos, dalawang rebs. at isang ast.

Inilabas ng Fuel Masters ang kanilang sandata laban sa Road Warriors upang ilista ang 2-1 record.

Kumayod si rookie Jayson Perkins ng 21 points, apat na rebounds at dalawang assists para sa Fuel Masters habang kumana si Jeff Chan ng 17 markers.

Bumakas din para sa Phoenix sina Justin Chua at Matthew Wright ng tig 15 puntos.

Ang cunterpart ni Perkins sa Road Warriors na si second choice Kiefer Ravena’y nagsumite ng 10 pts. Tumipa si Larry Fonacier ng 18 pts. para sa Road Warriors na may 1-2 card.

Tumipa si Larry Fonacier ng 18 pts. para sa Road Warriors na may 1-2 card.

Umalagwa ang lamang ng Fuel Masters sa 19 points, pero humarurot ang Road Warriors para maagaw ang bentahe sa fourth saka nakabawi ang Fuel Masters sa pamamagitan nina LA Revilla at Perkins.(Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?