78

Oct 22, 2021 @ 21:52
By

Rookie nagpaulan ng tres! Tropang Giga 2-0 sa Finals

Pinadapang muli ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots sa Game 2, 105-93, para umabante 2-0 sa championship round ng 2021 PBA Philippine Cup nitong Biyernes sa Bacolor, Pampanga.

Ginanahan ang rookie na si Mikey Williams at nagbuslo ng 28 puntos, kabilang ang limang 3-point shot, siyam na rebound, anim na assist at isang steal.

Tulad sa Game 1, kung saan nakapagpundar agad ang TNT ng 19 puntos na kalamangan sa half, mainit din ang naging simula ng Tropang Giga sa Game 2, nagbuhos ng sampung triples sa first quarter pa lamang.

Susubukan ng Hotshots na rumesbak sa Game 3 sa Linggo, October 24, ng 4:35 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?