91

By

Rookie Kyles Lao tinapik ng NLEX

Dating UAAP Rookie of the Year si Kyles Lao noong Season 76 nang maglaro sa UP Fighting Maroons.

Ngayon, nasa PBA na siya at nilagay ng NLEX sa active list matapos abutin ng ACL injury si Kevin Alas.

Nabinyagan si Lao PBA Philippine Cup sa manipis na 83-82 loss ng Road Warriors sa Phoenix Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Sinamantala ni Lao ang 16 minutes na binigay sa kanya ni coach Yeng Guiao, nag-deliver ng 8 points mula sa 2 of 6 shooting, may isang 3-pointer at 3 of 4 sa stripe. Mayroon pa siyang 6 assists kontra 1 turnover.

“Kaya naman,” sagot ni Lao nang matanong sa estilo ng laro sa PBA. “Sabi nga ni coach Yeng, ‘yung endurance, kung tatagal ka ba. I mean, ‘nung una kaya mo pa eh. Pero as the game went by, ‘yung bungguan, ‘yung physicality it takes a toll on you.”

Masaya siya na nabigyan ng mahaba-habang playing minutes, kontento rin sa performance.

Pero aminado si Lao na malayo pa siya sa gustong marating, marami pang kailangang matutunan.

“Marami pang kanin na kakainin,” diin niya na sinundan ng tawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?