29

Oct 4, 2017 @ 14:39

Rookie Kuzma sorpresa ng Lakers

Isa sa pinakamalaking sorpresa ng Los Angeles Lakers sa Las Vegas Summer League si rookie Kyle Kuzma, 27th overall pick mula Utah.

Pasiklab si Kuzma, pumuntos ng 19 sa preseason opener Sabado ng gabi. May follow up siya noong Lunes kontra Denver Nuggets, tumapos ng 23 points sa 9 of 17 shooting off the bench.

Pagkatapos ng laro, sinabi ni Lakers coach Luke Walton na napabilib siya sa kanyang rookie.

“Walton said Kuzma’s competitive spirit is impressive. That’s driven all his improvement over the last few years,” tweet ni Mike Trudell (@LakersReporter).

Isa pa sa thriller ng Lakers si No. 2 pick Lonzo Ball, bagama’t nagkaroon ng kaba ang team sa kanyang Staples Center debut. Nang tangkaing blangkahin ang isang tira mula sa likod bago ang halftime, napasama ang bagsak ni Ball sa paa ni Denver point guard Emmanuel Mudiay at inabot ng mild left ankle sprain.

“Sprained ankle, I’ll be alright,” ani Ball pagkatapos ng 113-107 loss ng Lakers sa Nuggets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?