28
ABANTE TNT josh jackson rookie suns nba

Rookie Josh Jackson, naitala ang unang double-double sa Suns

Naitala ni Josh Jackson ang una niyang double-double bilang rookie nang maglagare ng 17 points at 10 rebounds at tumulong sa Phoenix Suns para durugin ang Oklahoma City Thunder, 114-100, nitong Linggo (Lunes, Manila time).

Nakapagpasok naman ng anim na 3-point shots si Dragan Bender sa Suns para tulungan din sa ikatlong beses na pananaig sa Thunder.

Nakuha naman ni Russell Westbrook ang ika-14 niyang triple-double nitong season sa pagsalansan ng 26 points, 11 assists at 10 rebounds, pero hindi na nagawang makaabante ng Oklahoma City matapos ang first quarter.

Nakuha ng Suns ang bentahe sa first quarter at abante sila ng siyam sa pagtatapos ng unang bahagi ng laro pero naibaba ng Thunder sa isa na lamang sa third quarter pero dahil sa perpektong buslo ni Bender ay kontrolado muli ng Phoenix ang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?