52

Sep 16, 2019 @ 11:13
By

Ronquillo, L’Tams alpas vs Pirates

Tapos nang pagkalugmok ng FEU sa huling laro kontra UST sa nakaraang Linggo, binangon ni France Ronquillo ang Lady Tamaraws kontra Lyceum of the Philippines University, 21–25, 25–14, 25–16, 25–19, sa unang laro kahapon, Setyembre 15, ng 3rd Premier Volleyball League Collegiate Conference 2019 elims sa The Arena-San Juan City.

Humambalos si Ronquillo ng 14 attacks at 3 services mula sa kanyang 18 points sa laro upang kopoin ang ikatlong panalo sa 5 laro ng Lady Tams sa women’s indoor volleyfest.

Nag-ambag din sa Far Eastern si Czarina Carandang ng 9 attacks at 4 blocks habang nag-deliver ng 19 excellent sets si Marie Cayuna para selyahin ang pananaig Intramuros-based volleybelles.

Bitin ang kinolektang 15 markers ni Alexandra Rafael upang bigyang sana ng dalawang sunod na talo ang mga balibolistang Morayta-based .

Ang panalo ng Lady Tamaraws ay nagbigay sa kanila ng 3-2 karta habang bagsak naman sa 1-4 win-loss record ang Lady Pirates. Kapwa sibak na ang dalawa sa semifinals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?