284

Sep 14, 2021 @ 22:18

Ronnie Puno campaign manager ng Lacson-Sotto tandem

Bigatin ang campaign manager ng Lacson-Sotto tandem sa 2022 elections.

Ayon sa source ng Politiko, sinelyuhan ang pag-anib ng beteranong political strategist at dating Interior secretary na si Ronnie Puno sa Lacson-Sotto tandem sa meeting sa isang hotel sa Metro Manila nitong Sept. 14.

Kasama sa meeting ang ilang supporter ng National Unity Party (NUP), kung saan chairman si Puno.

Kilala si Puno bilang political operator kung saan siya ang itinurong dahilan ng kolumnistang si Ramon Tulfo sa pagkapanalo ng mga dating pangulong sina Fidel V. Ramos, Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Kapwa naging parte ng administrasyong Estrada sina Puno at Lacson.

Naitalaga noon si Puno bilang hepe ng Department of Interior and Local Government habang si Lacson ang Philippine National Police chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?