289
Ronnie, Loisa at Donny bibida sa ‘James and Pat and Dave’
By

Ronnie, Loisa at Donny bibida sa ‘James and Pat and Dave’

Magkakaroon ng sequel ang 2016 hit film na “Vince and Kath and James” na pinagsamahan noon nina Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

Sa bagong “James and Pat and Dave”, kasama pa rin dito si Alonte pero sina Loisa Andalio at Donny Pangilinan na ang kanyang ka-co star.

Ginawa ang anunsiyo ng Star Cinema sa story conference ng upcoming movie.

Sa direksiyon ni Theodore Boborol, itutuloy ng pelikula ang kuwento ng buhay ni James (Alonte).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?