900

By

Ronjay Buenafe ban sa MPBL

Sharing is caring!

Matapos ang isang laro, tanggal agad ang dating PBA journeyman na si Ronjay Buenafe sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ayon sa source ng reporter ng Spin.ph na si Christian Jacinto, hindi na papayagang maglaro para sa Mandaluyong El Tigre si Buenafe, na maaalalang inireklamo ng Quezon City Capitals at muntikan pang magwalk-out ang nasabing koponan.

Ang nasabing desisyon ay ginawa matapos ang meeting ng ilang mga team owner, representative at ang organization ng liga.

Para naman makahanap ng sapat na player ang El Tigre at iba pang koponan, pinalawig ng MPBL ang trading period para na rin sa papalapit na pagtatapos ng season.

Matatandaan na umalis na ang star player ng Mandaluyong na si Bobby Ray Parks Jr. para maglaro sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?