12

Sep 15, 2020 @ 0:23
By

Rondo dinepensa utol vs Westbrook

Ipinagpag lang ni Los Angeles veteran guard Rajon Rondo ang insidenteng namagitan sa kanyang kapatid at ni Russell Westbrook ng Houston sa Game 5 ng Western Conference semis nitong Sabado.

Ejected si William Rondo nang makipagsagutan kay Westbrook.

Nairita ang Rockets star nang marinig ang sinabi ni William, nagmukhang susugurin pa nito sa kinauupuan sa sidelines si William.

Sinabi ni Rondo sa The Undefeated na hindi nagmura ang kapatid, sinabihan lang si Westbrook ng “trash”.

“He didn’t say anything crazy, raise his voice and cuss. He called the man ‘Trash,’” paliwanag ni Rondo. “As players we get away with manipulating the game and manipulating the referees as if we are being attacked. I’ve done it in the past.”

Guest ni Rondo ang kapatid kaya nasa loob ng arena.

Hiniling ni Rondo sa NBA security na kausapin din ang ibang taong nakaupo sa stands ng bubble hinggil sa nangyari. Limitado aniya ang mga pinapapasok na fans sa venue, kaya dinig na dinig ang sinabi ni William pero hindi naman direktang ininsulto si Westbrook at lalong hindi naghahanap ng away.

Pahinga muna ang Lakers habang hinihintay ang makakatapat sa West finals alinman sa Clippers o Nuggets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?