50

Jun 26, 2022 @ 16:12
By

Rondo, Allen, nag-square-bati – Perkins

Binunyag ng dating NBA Player na si Kendrick Perkins sa podcast ng Old Man and the Three ang tindi ng away ng kanyang mga former teammates sa Boston Celtics na sina Ray Allen at Rajon Rondo na nauwi pa sa suntukan sa loob ng locker room.

“We made Ray and Rondo actually box it out. They had so much beef. We got to the practice facility, we bought the boxing gloves, and they actually had to box it out,” aniya.

Sabi ni Perkins sa programa kung saan host si JJ Reddick na isa ring retired NBA Player,
kapwa bahagi ng powerhouse team ng Celtics sina Allen at Rondo na nagbigay sa Celtics ng back-to-back championship sa season 2007-2008 at 2008-2009 ng NBA. Matagal na ring usap-usapan ang initan ng dalawa na may kinalaman sa paglaki ng ulo ni Rondo at ang unti-unting pagbaba ng minuto ng paglalaro ni Allen.

Dagdag pa nito ang tsismis na nais umanong ipa-trade ni Allen si Rondo kay superstar point guard, Chris Paul. Taong 2011, nang lumipat si Allen sa Miami Heat upang kaharapin ang kanyang dating team kung saan siya ang pumukol ng winning three points para magkampeon ang Heat kasama ang batang-bata pa noong si Lebron James.

Matagal naman na umanong nagkaayos sina Allen at Rondo ayon kay Perkins at may maayos na relasyon sa isa’t isa.

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?