15

Nov 25, 2021 @ 23:35
By

Rondina, Pons sablay sa Last 8

Mintis sa 2021 Asian Senior Beach Volleyball Championships women’s division quarterfinals sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons nang malugmok sa round of 16 nitong Huwebes sa Bang Tao Beach ng Phuket sa Thailand.

Tumiklop ang PH 1 duo kontra kina Akiko Hasegawa at Yurika Sakaguchi ng Japan, 17-21, 15-21.

Hindi nasustena ng ‘SiPons’ ang paggulat kina Australian tandem Alisha Stevens at Jana Milutinovic, 21-15, 24-22, sa parehas na araw.

Ligwak na rin sina Dij Rodriguez at Gen Eslapor ng PH 2 pagkatilapon kina Aussies Jasmine Fleming at Stefanie Fejes, 18-21, 14-21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?