29

Oct 22, 2021 @ 21:58
By

Rondina, Pons pasabog sa BVR on Tour

Nagpasiklab sa opening day ng 6th Beach Volleyball Republic on Tour 2021 first leg sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons ng Creamline 1 sa pinakong dalawang panalo sa Santa Ana, Cagayan Biyernes.

Tinambakan ng Cool Smashers tandem sa Pool B match sina Mer Jauculan at Hannah Cabansay ng TM, 21-10, 21-10.

Sinunod nina Rondina at Pons pagkaraan sina Jackie Estoquia at DM Demontaño ng Sta. Lucia 1, 21-8, 21-13.

Pero bumawi sina Jauculan at Cabansay sa second game laban sa Black Mamba Army 1 nina Nerissa ‘Nene’ Bautista at Jeannie Delos Reyes, 21-12, 21-14.

Wagi naman sa Pool A sina Good Health CDO bet Babylove Barbon at Gen Eslapor kontra kina Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Claudine Troncoso ng Sta. Lucia 2, 21-13, 21-17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?