106

By

Rondina, Pons papainit sa Beach Volley Tour

Isang pasilip para sa nalalapit na 2019 FIVB Beach Volleyball World Tour dito sa bansa sa ikalawang sunod na taon ang idadaos sa Sabado sa The City Club Alphaland sa Makati City.

Tampok sa press launch ang SiPon tandem nina UST Lady Tigresses stalwart Sisi Rondina at former FEU Lady Tamaraw star Bernadeth Pons.

Bukod sa kanila, lalahukan din ang torneo ng pinakamagagaling na beach volleyball stars ng bansa para sa hangad na malagpasan ang 5th place finish sa women’s divison noong nakaraang taon.

Ang naturang tournament na hahataw sa Mayo 23-26 sa Borcay Island ay inorganisa ng Beach Volleyball Republic katuwang ang the White House Lounge beach Sa Boracay.

Tampok ang 48 teams na binubuo ng 20 women’s and 28 men’s mula sa 17 bansa kabilang ang walong pares para sa Team Philippines ang maghaharap sa Philippine leg upang makalikom ng puntos tungo sa World Tour Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?