25

Nov 21, 2021 @ 23:02
By

Rondina, ‘Pinas sabak sa Thai beach volleyball

Pangungunahan ni Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ang national women’s team na papalo sa 20th Asian Senior Beach Volleyball Championships sa Phuket, Thailand sa Nobyembre 23-27.

Ka-tandem ni Rondina si Bernadeth Pons, at isa pang pares ng ‘Pinas ay sina Angeline Marie ‘Dzi’ Gervacio at Dij Rodriguez, na mga bronze medalist sa PH 2019 Southeast Asian Games.

Kakakampeon lang ng duo nina Rondina at Pons sa 6th Beach Volleyball Republic on Tour 2021 first at second leg sa Santa Ana, Cagayan nitong Oktubre.

Bukod sa Pinay belles, kasali rin sa limang araw na torneo ang Australia, Japan, Kazakhstan, New Zealand, Singapore Sri Lanka at Thailand.

Hahambalos sa 19th edition ng men’s division ang mga Australian, Iranian, Japanese, Kazakhstani, Omanese, Qatari, Singaporean, Sri Lankan at Thai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?