50

By

Rondina pasok sa Petron sa All-Filipino Conference

Matapos ang back-to-back championship ng Petron Blaze Spikers sa PSL Grand Prix, lalo pang titindi ang line-up up ng koponan sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa susunod na buwan.

Malaking bagay para sa Petron ang powerhouse imports na sina Stephanie Niemer na tinanghal na Most Valuable Player at Kath Bell bilang Best Outside Spiker upang mapanatili ang korona.

Pero papasok sa All-Filipino, hindi lamang ang dalawa ang mamamaalam dahil pati si libero Princess Gaiser ay aalis na rin sa team upang tuparin ang kanyang pangarap na maging doktor.

Subalit asahan naman ang pagdating nina FEU libero Buding Duremdes at spiker Chin Basas ganun din si UST star hitter Sisi Rondina.

“Actually, we already have a list of players to add. These players are just ‘simple’ players,” pahayag ni coach Shaq Delos Santos sa pagbisita nito Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila.

“Sisi Rondina. Buding Duremdes and Chin Basas are already on our list. We will activate them in the All-Filipino,” ani Delos Santos.

Samantala, present rin sa weekly forum na handog San Miguel Corp., Tapa King, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang bagong dapat abangan na koponan sa PSL ang Marinerang Pilipina.

Bubuoin nina veterans Ivy Remulla at Ers Iratay at collegiate standouts Cesca Racraquin, Seth Rodriguez at Chiara Permentilla ang Marinerang Pilipina sa pamumuno ni coach Villet de Leon at Ronald Dulay bilang deputy.

“Our lineup is not yet complete because of the ongoing UAAP,” pahayag ni team manager Jed Montero.

“But rest assured that we will put up a competitive team. Our coaches are doing their best to come up with the best talents who are capable of beating other PSL teams,” wika pa ni Montero na dating player para sa University of the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?