45

By

Rondina ginanahan sa cheer ng mga fan

Hindi binigo ni Cherry Ann Rondina ang kanyang fans sa Malolos, Bulacan matapos akbayan ang Petron Blaze Spikers sa 25-16, 29-27, 25-22 panalo kontra PLDT Home Fibr Power Hitters kagabi sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Malolos Sports and Convention Center.

Kumana si Rondina ng 10 attacks at isang block para sa Blaze Spikers na hinataw ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 4-1 karta.

Ilang araw hindi nakalaro, ginanahan si Rondina nang maghiyawan ang kanyang fans pagpasok niya sa playing court.

“Kahit wala ako sa mga nakaraang laban eh love pa rin nila ako,” masayang saad ni Rondina. “Kaya kung ano ‘yung ipinapagawa ni coach sa akin ay ibinibigay ko ‘yung best ko para makabawi kami at makalapit sa unahan ng team standings.

Isa sa mga naging dahilan ng pagkatalo ng Power Hitters ay ang 25 errors nila sa tatlong sets.

Nalasap ng PLDT ang pang-apat na talo sa anim na laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?