sisi

Rondina, Best Scorer; Alessandrini, Rookie of the Year

Sharing is caring!

Itinanghal si Sisi Rondina ng University of Santo Tomas bilang Best Scorer sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament matapos makapagtala ng kabuuhang 296 points.

Ang kakampi naman niyang si Milena Alessandrini ang nanalong Rookie of the Year matapos makapagtala ng 105 points kahit na lumiban ng apat na laro sa elimination round dahil sa injury.

Samantala, si Celine Domingo ng Far Eastern University ang nakakuha ng Best Blocker honors matapos makakuha ng 0.73 block kada set sa elemination round.

Si Desire Cheng ng Dela Salle University ang Best Server sa kanyang average na 0.66 ace per set.

Si Ateneo de Manila University Deanna Wong ang Best Setter matapos makapagtala ng 8.54 excellent sets kada set sa kanyang unang taon bilang playmaker ng Lady Eagles.

Si University of the East Kathleen Arado naman ang nakatanggap ng Best Receiver at Best Digger awards matapos ungusan si Dawn Macandili ng La Salle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?