221

Sep 28, 2021 @ 15:00
By

Ronda Rousey isinilang unang baby

Ganap nang momshie si MMA star Ronda Rousey!

Ipinanganak niya ang unang baby nila ng asawang si Travis Browne nitong Martes.

Sa Instagram, ibinahagi niya ang larawan ng maliit na kamay ng kanyang baby habang nasa dibdib niya at kanyang mister.

“La’akea Makalapuaokalanipō Browne,” caption niya.

https://www.instagram.com/p/CUWKS5eJB5q/

Si Rousey ay American professional wrestler, aktres at retired mixed martial artist.

Umapir siya sa mga action movie gaya ng “Expendables 3” at “Furious 7”.

Ikinasal sila ng kapwa niya American mixed martial artist na si Travis noong 2017. (IS)

View this post on Instagram

A post shared by Ronda Rousey (@rondarousey)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?