582

Feb 6, 2019 @ 20:54
By

Ronaldo Valdez tsutsugiin na sa ‘Los Bastardos’

Say it isn’t so! Pero mukhang maiksi na lang ang nalalabing oras ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez sa “Los Bastardos” sa pagdating ng kanyang mapaghiganting anak na si Lorenzo, ginagampanan ngayon ni Joseph Marco.

Sa kuwento kasi ay akala ni Lorenzo na si Don Roman ang nagtangkang pumatay sa nanay niyang si Consuelo (Gloria Diaz). Sa mga promo plug ng show, pinapakita rin ang tuloy-tuloy na pagpaplano ni Lorenzo sa kanyang paghihiganti kay Don Roman.

Feeling ko ay maraming malulungkot kung mawala si Tito Ronnie sa show dahil napakahusay niyang ginagampanan ang role na Don Roman – matipuno, nirerespeto, at higit sa lahat, mabait na ama. Bagama’t siya ang father figure ng show ay hindi naman maitatangging nakakasabay siya sa mga nakababatang artista nito pagdating sa kakisigan at dating.

Sa mga millennial diyan na kilala lang si Tito Ronnie sa “Los Bastardos” o kaya ay sa “Seven Sundays,” try niyo rin siyang panoorin sa mga luma niyang pelikula gaya ng “Banawe” at “Karma” na parehas nang may mga digitally restored version.

Sakto nga at ipinalabas ang “Karma” kahapon (Linggo) sa “Sunday’s Best” ng ABS-CBN. May eksena sila roon ng kanyang leading lady na si Vilma Santos sa beach kung saan naka-trunks lang ang Tito Ronnie niyo. Siya kasi talaga ang original na makisig na “Los Bastardos.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?