43

Feb 28, 2021 @ 18:45
By

Ronald Pascual balik basketball na, Chris Ross natuwa!

Muling makikita sa hardcourt si Ronald Pascual matapos ang matagal na panahong pagkatigil sa basketball.

Maglalaro si Pascual sa National Basketball League para sa koponang Pampanga Delta.

Isa sa mga natuwa sa pagbangon ni Pascual ay si San Miguel star Chris Ross, na pinaabot sa TikTok ang excitement sa balik basketball ng Kapampangan.


Dating nagkasama ang dalawa sa SMB, na magkasamang nakasungkit ng kampeonato.

Matatandaan na nag-viral si Pascual matapos mag-post ang kanyang kapatid dahil sa pagsubok na pinagdaanan ng manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?