121

By

Romulo-Puyat itinalaga ni Duterte bilang bagong DOT chief

Sharing is caring!

May kapalit na ang nagbitiw na si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo sa katauhan ni Berna Romulo Puyat.

Si Puyat ay kasalukuyang undersecretary ng Department of Agriculture at anak ni dating Foreign Affairs Alberto Romulo.

Ang bagong posisyon ni Puyat ay kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go.

Wala namang dagdag na impormasyong ibinigay ni Go kung kailan magsisimula si Puyat sa kanyang bagong puwesto.

Matatandaang si Teo ay nagbitiw kahapon dahil sa kontrobersiyang idinulot ng Commission on Audit (COA) report kaugnay sa P60 million tv ads sa PTV 4 na inere sa programa lamang ng kanyang mga kapatid na sina Erwin at Ben Tulfo.

Bago inianunsiyo na nag-resign si Teo ay nagkaroon muna sila ng one-on-one meeting ni Pangulong Rodrigo kagabi pagkatapos ng ginanap na cabinet meeting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?