530

Oct 7, 2018 @ 19:45
By

Romulo Macalintal suportado ni Vilma Santos sa pagka-senador

Inendorso ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto ang beteranong election lawyer na si Romulo Macalintal na tatakbong senador sa darating na midterm elections sa May 2019.

Noong Huwebes, kinumpirma ni Macalintal na siya ay tatakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Vilma, si Macalintal ay matindi ang suporta sa karapatan ng mga senior citizen.

“Ang mga senior citizens laging nakasuporta diyan si Atty. Mac. In fact sa Congress, noon nag-celebrate kami ng Elderly Week, Atty. Mac was there just to show iyong suporta niya sa mga senior citizens, dapat tuloy-tuloy lang iyon,” ani Vilma Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?