81

By

Romualdez suportado ng mga kongresista sa speakership – House Minority Leader

Malaki umano ang tsansa na maging susunod na House Speaker sa 18th Congress si reelected Leyte First District Representative Ferdinand Martin Romualdez kung hindi mag-eendorso ng “manok” niya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pananaw ni House Minority Leader at Quezon Representative Danilo Suarez.

Aniya, may sapat na bilang ng mga sumusuportang kongresista si Romualdez para mamuno sa Kamara.

Sa ngayon umano ay mayroon nang “more than 153” votes ang pamangkin ni dating First Lady at Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Maging si outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo aniya’y boboto kay Romualdez.

Samantala, ang iba pang mambabatas na target ang House leadership ay sina Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano, reelected Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco at reelected Davao del Norte Representative at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Naiulat na sina Velasco at Cayetano ang suportado ng Pangulo sa pagka-Speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?