94

Jun 20, 2021 @ 22:00
By

Romualdez masarap katrabaho—Cayetano

Masarap umanong katrabaho si House Majority Leader and Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Ito ang sinabi ni dating Speaker Alan Peter Cayetano nang tanungin kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan nito si Romualdez kung tatakbo sa pagkabise presidente sa 2022 elections.

“Hindi po ako nagbabago sa sinabi ko na si Martin Romualdez po ay masarap katrabaho. Very diligent, mabait na tao…. all things being equal, he deserves support,” sabi ni Cayetano.

Si Romualdez ang Majority Leader ni Cayetano ng manungkulan ito bilang speaker sa unang 15 buwan ng 18th Congress.

Batay sa kanyang pagkakakilala kay Romualdez, sinabi ni Cayetano na uunahin nito ang pagpasa ng mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyon bago ituon ang isip nito sa halalan.

“Knowing Martin, gusto niya trabaho lang muna, yun lang kasi nabanggit siya ng ating Pangulo (as VP presidential candidate niya),” dagdag pa ni Cayetano.

Samantala, ikinatuwa naman ni Deputy Majority Leader at Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo ang pag-endorse ni Duterte kay Romualdez na pangulo ng kanilang partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

“If ever Majority Leader Romualdez accepts the challenge, we will assure President Duterte that we in Lakas-CMD will throw in our full support to our party president, not only in his quest to emerge victorious, but also in his obligation to deliver quality services to the Filipino people” sabi ni Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?