20

Oct 7, 2021 @ 16:29
By

Romualdez kongresista ulit ang tatakbuhan

Matapos maikonsiderang kandidato sa pagka bise presidente, naghain ng kanyang certificate of candidacy si House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez para muling tumakbo sa pagkakongresista ng Leyte.

“I decided to seek reelection in response to my constituents’ clamor for me to continue serving them as their congressman,” sabi ni Romualdez na naghain ng kanyang COC sa Provincial Election Office ng Commission on Elections (Comelec) sa Tacloban City.

Nagpasalamat si Romualdez sa kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagsabi na siya ang susuportahan kung tatakbo sa pagkabise presidente.

“His repeated endorsement and words of encouragement truly serve as an inspiration. For believing that I have what it takes to occupy the second highest post of the land, I will be eternally grateful to the President,” sabi pa ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, marami pang kailangang gawin sa kanyang distrito at bilang mambabatas.

“Mas higit po akong kailangan ng mga kababayan ko sa Leyte sa oras na ito. Hindi ko po sila kayang iwan sa panahon ng kagipitan,” dagdag pa nito.

Kasama sa mga panukalang inihain ni Romualdez at naging batas ay ang Malasakit Centers (RA 11463), modernisasyon ng Bureau of Fire and Protection (RA 11589), pagpapalawig ng Estate Tax Amnesty (RA 11569), Bayanihan 1 (RA 11469), at Bayanihan 2 (RA 11494), at dagdag na bed capacity ng Schistosomiasis Control And Research Hospital sa Palo, Leyte at Eastern Visayas Regional Medical Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?