68

Jul 18, 2021 @ 16:49
By

Romualdez, Inday Sara pinagtibay alyansa

Kinumpirma ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na personal nitong nakausap si Davao City Mayor Sara Duterte kaugnay ng alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats at Hugpong ng Pagbabago para sa 2022 national elections.

“We exchanged pleasantries and shared updates on the renewed alliance of HNP and Lakas-CMD,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na nagkita sila sa bahay ng isang kaibigan sa Makati City noong Hunyo 29.

“It was a belated dinner celebration for Mayor Sara,” dagdag pa ni Romualdez.

Nagkita ang dalawa matapos na payagan ng Lakas-CMD ang kanilang pangulo na si Romualdez na muling makipag-alyansa sa HNP para sa 2022 elections.

“The Lakas-CMD was the first political party to signify intention to renew an alliance with Mayor Sara’s Hugpong ng Pagbabago. This alliance binds our party to support whoever is chosen by HNP as their candidates for President and Vice President,” dagdag pa ng solon.

Sinabi ni Romualdez na susuportahan ng Lakas-CMD si Mayor Duterte kung tatakbo ito sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?