245

Dec 19, 2018 @ 18:11
By

Romeo, Zamar, Tubid sa Beermen, aprub na sa PBA

Inaprubahan na ngayong Miyerkoles ng PBA trade committee ang pagkuha ng San Miguel Beermen kina Terrence Romeo, Paul Zamar at Ronald Tubid.

Mula sa TNT KaTropa, lilipat ng SMB si Romeo kapalit nina Brian Heruela at David Semerad, pati na ang first-round pick sa 2021 PBA draft ng Beermen.

Ibinigay naman ng San Miguel ang second-round picks nito sa 2021 at 2022 para makuha sa Blackwater si Zamar.

Samantala, balik coach Leo Austria si Tubid matapos ipamigay si Keith Agovida sa Columbian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?