48

By

Romeo, Wells, Beermen bigo sa Flying Leopards

Hindi pinalad na makausad sa kampeonato ang San Miguel Beer-Pilipinas matapos nitong malasap ang 89-111 kabiguan kontra Liaoning Flying Leopards ng China sa ginaganap na East Asia Super League – The Terrific 12 2019 semifinals sa Macau, China.

Nalimitahan sa pitong puntos lamang sa ikalawang yugto ang mga Beermen matapos na maghabol sa tatlong puntos sa pagtatapos ng unang yugto sa 23-26 upang mapag-iwanan sa 30-51 at hindi na nakabawi pa sa sumunod na huling dalawang quarter.

Napag-iwanan pa ang Beermen sa kabuuang 31 puntos sa kalagitnaan ng ikatlong yugto upang malasap ang una nitong kabiguan matapos ang dalawang sunod na panalo at mahulog sa labanan para sa ikatlong pwesto.

Nanguna para sa Beermen si Terrence Romeo na may 19 puntos, 5 rebounds, 6 assists at isang steal habang may 16 puntos, 3 rebounds at 3 assists ang import na si Denzel Wells.

Nag-ambag si Lester Prosper ng 15 puntos, 7 rebounds, 1 assist at 1 steal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?