133

Dec 28, 2018 @ 22:35
By ,

Romeo tuloy ang pananahimik, pokus na lang daw sa SMB

Tikom pa rin ang bibig ni Terrence Romeo tungkol sa mga isyu na natatabangan sa kanya ang mga kasamahan sa TNT KaTropa sa loob ng halos isang taon niya roon.

Nasa pitong TNT players, kabilang na ang mga star, ang humiling sa Texters management na i-trade si Romeo dahil ito aniya dahilan ng gulo at away tuwing practice nito, ayon sa ulat ng Inquirer.

Pero ayon sa source, ilang kampo ang pinagpasa-pasahan si Romeo bago ito tuluyang kunin ng San Miguel Beer kapalit nina David Semerad, Brian Heruela at future first-round pick.

Pero imbes na patulan ng basketbolista ang isyu, tinikom ang bibig nito at ayon sa malalapit nitong mga kaibigan at staff ng San Miguel, pinagkibit-balikat na lang ito ng dating Rookie of the Year at mas pokus sa bagong kabanata ng kanyang karera sa Beermen simula sa papasok na taon.

“Terrence chose to remain silent amidst the rumors. He would rather prove his worth through his new team,” sabi ng impormante kahapon.

Nakatakdang mag-report sa practice si Romeo sa Enero. Pero ngayon pa lamang, dagdag ng spiya, mainit na siyang tinanggap ng mga bossing ng San Miguel Corp., kabilang ang big boss na si Ramon Ang.

“He is grateful to sir RSA (Ramon Ang), Sir Alfrancis Chua, and coach Leo (Austria) as well as the whole coaching staff and management,” wakas ng source.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?