17

Oct 17, 2020 @ 11:42
By

Romeo tanggal na sa PBA restart

Hindi na makapaglalaro sa 2020 PBA Philippine Cup si San Miguel star Terrence Romeo.

Ito’y inanunsyo ni SMB head coach Leo Austria, na sinabing mababakante ng anim hanggang walong linggo ang kanyang manlalaro dahil sa natamong injury sa balikat.

Sa laban ng San Miguel kontra TNT, bumangga ang balikat ni Romeo kay Ryan Reyes dahilan para mapaupo siya sa bench.

Sa pag-check ng mga team staff kay Romeo, paunang diagnosis ay na-dislocate ang kanyang balikat kaya agad na dinala sa Medical City Clark, ngunit bumalik sa kanilang hotel matapos magpatingin.

Paliwanag ni Austria, hindi magpapaopera si Romeo at mas pipiliing kusang maghilom ang injury nito kaya hindi na makababalik sa laban sa PBA bubble.

Malaking kawalan ito para sa Beermen na sadlak sa 0-2 start lalo’t wala din ang kanilang six-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?