44

Oct 1, 2021 @ 22:48
By

Romeo suportado ni Almazan

Nakabalik na uli si Terrence Romeo sa San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine best of three quarterfinals series ng Beermen at NorthPort nitong Huwebes sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Muling nadale ng injury si Romeo sa laban ng SMB kontra Phoenix Super LPG sa elimination round noong Sept. 17.

Bumalik sa Maynila si ang matinik na all-star guard para ipa-check ang kanyang achilles at lumabas naman na walang naging tama roon.

Isa si Romeo sa mga veteran scorer sa liga sa ilang taon na rin.

Sa balik-court, isa si Raymond Almazan ng Meralco ang natuwa.

Ipinoste ni Almazan sa kanyang instagram story Biyernes ang video na nagpi- free throw ang 29-year-old, 5-foot-10 combo guard.

“Welcomeback pre @tbvromeo07,” sambit ni Almazan.

Nagpasalamat naman si Romeo sa pagbati ng kanyang kumpare.

Pumuntos ng 11 si TR nang senglutin ng Beer ang Fuel Masters, 110-80.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?