65

Romeo sa mga kritiko: Magpa-convert na lang kayo sa Australian?

Sharing is caring!

Pinandigan ni Gilas Pilipinas Terrence Romeo ang kanyang aksiyon sa nangyaring rambol sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers noong Lunes ng gabi.

Bagama’t kinampihan ng mga nanood sa Philippine Arena ang Gilas, may ilan namang dati basketball players ang kinastigo ang nangyari at tinawag na kahiya-hiya ang ginawa ng mga manlalaro ng Pilipinas.

Si Romeo, isa sa siyam ng Gilas players ang nasipa sa laban dahil sa kanyang partisipasyon sa gulo, ay iginiit na tama lang ang kanilang ginawa.

“Dun sa mga kapwa namin players na nag sasabing embarassing kami wala kaming paki alam sa inyo,” sabi ni Romeo sa kanyang Twitter account @tbvromeo.

“Kami mag kaka teammate sa loob kailangan namin mag tulungan. Hindi namin pwede pabayaan yung isat isa,” dagdag nito.

“Kung embarassing kami sa mata niyo bat di kayo mag convert ng Australian.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?