By

Romeo, Pringle igagapos ng Gin Kings

Sharing is caring!

Ang Barangay Ginebra ay kinakailangan munang pagpahingahin si Joe Devance habang nagpapagaling sa kanyang natamong foot injury.

Malaking kawalan para sa Gin Kings si Devance kaya kinakailangan nila Jervy Cruz at Raymond Aguilar na mag-step up habang wala pa ito para pigilin sina Terrence Romeo at Stanley Pringle sa pagharap nila sa GlobalPort Batang Pier.

Tampok sa ikalawang laro ng alas-6:45 ng gabi ng Linggo ang paghaharap ng dalawang koponan.

Na-delay ang dapat na surgery ni Devance noong last season dahil ginusto niyang maglaro sa kanilang pagdedepensa ng titulo kahit pa sobrang sakit na ng kanyang kaliwang paa dahil sa kanyang injury pero sa kabila ng kanyang pagtitiis naging matagumpay ang kanilang pagdedepensa at nakuha nila ang back to back Govenors Cup Champion.

Si Cruz ay nag-ambag ng 12 points, at eight rebounds noong kanilang unang laro sa pag-uumpisa ng 43rd Season ng PBA kontra sa Magnolia Hotshots 89-78 noong Pasko sa Philippine Arena.

Ang Ginebra ay pumirma sa mga libreng aplikante na sila John Wilson at Jericho de Guzman na pansamantalang papalit kila Devance at Art dela Cruz na napunta muna sa reserve list dahil sa kanilang mga injuries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?