299

Nov 9, 2017 @ 15:28

Romeo nagpapa-trade

Hindi pa nakakapag-ensayo si Terrence Romeo sa Gilas Pilipinas, tsika namin mukhang abala ang player sa paghahanda ng kanyang kasal sa simbahan, ngayong Disyembre nga ba?

Kasal na umano sa huwes ang basketbolista at asawang Cebuana. Lihim na lihim umano ang kasalang nangyari sa magdyowa. Halos mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang sumaksi sa civil wedding nila.

Even ‘yung magaganap na kasalan blues ay very private. Anyway, best wishes and congrats.

Samantala, nais na ring lumipat ng ibang koponan ni Romeo.

Mismong ang player ang nagre-request na i-trade na siya sa ibang team. At hinanapan naman siya ng management sa kampo ng Meralco Bolts. Kung magkakasundo hinihingi ng GlobalPort si Baser Amer at Chris Newsome, pero mukhang ayaw pakawalan ni coach Norman Black ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?