49

By

Romeo ‘matigas ang ulo’, bayad ng libo-libo

Sharing is caring!

Tila hindi nalalayo sa kontrobersya si Terrence Romeo.

Pinagmulta ng mahigit kumulang P22,600 ang TNT guard matapos siyang madawit sa gulo laban kay Rashawn Mccarthy noong nakaraang duwelo sa pagitan ng TNT at Columbian noong Linggo.

Unang pinatawan ng P20,000 na multa ang flagrant foul penalty 2 ni Romeo dahil sa pag-headbat niya kay Mccarthy noong sila’y nagsabwatan.

Ang natirang P2,600 naman ay matapos siyang patawan ng second motion at sa pagduro niya kay Mccarthy pagkatapos siyang bumira ng lay-up sa mukha niya.

Ngunit nagkabati rin ang parehong kampo mula sa kanilang iringan pagkatapos ng kanilang laro, kung saan nanaig ang TNT laban sa Columbian, 118-114.

Matatandaang huling nasangkot sa iskandalo Romeo sa isang bar matapos makita sa CCTV na nakipag-rambol sa isang fan.

Inulan din ng batikos ang dating manlalaro ng Gilas Pilipinas matapos siyang masangkot sa bakbakan laban sa Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?