164
romeo
Jun 17, 2018 @ 13:43

Romeo, Lassiter ejected sa TNT-SMB game

Pinatalsik si Terrence Romeo ng TNT at Marcio Lassiter ng San Miguel matapos maggirian sa kanilang laban noong Sabado ng gabi.

Muntikan nang magsuntukan ang dalawa matapos ang hard foul ni Lassiter kay Romeo, 3:59 sa second quarter.

Napigil ang posibleng suntukan sana ng dalawa matapos pumagitna ang iba pang players ng dalawang koponan.

Nabigyan ng technical fouls ang dalawa dahil sa second motion.

Sa sumunod na laro, tinawagan ng isa pang foul si Lassiter habang dinidipensahahn si Romeo.

Pinalakpan ni Romeo si Lassiter at sinenyasan na gigilitan aang San Miguel swingman. Doon na nainis si Lassiter at itinulak si Romeo.

Sa tagpong iyon, nagdesisyon ang mga referee na patalsikin na ang dalawa sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?