80

Oct 16, 2020 @ 21:03
By

Romeo kumalas balikat, sinugod sa ospital

Matapos ni June Mar Fajardo, isa pang dagdag sa listahan ng mga injured player ng San Miguel Beer ay si Terrence Romeo.

Ito’y matapos na dalhin sa Medical City Clark ang SMB star matapos na bumangga kay TNT Tropang Giga veteran Ryan Reyes sa second quarter ng laban.

Nanatili muna sa bench si Romeo habang tinitingnan ng kanilang staff ang kanyang balikat, ngunit nagdesisyon din ang koponan na isugod na sa ospital ang manlalaro.

Sa initial diagnosis ay lumalabas na dislocated shoulder ang natamong injury ni Romeo at hindi na makababalik sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?