217

Dec 8, 2017 @ 21:27
By

Romeo Barza, bagong Presiding Justice ng CA

Mayroon nang bagong Presiding Justice ang Court of Appeals (CA).

Ito ay sa katauhan ni Associate Justice Romeo Barza na kasalukuyang nanunungkulan bilang mahistrado ng appellate court.

Si Barza ay mula sa Lupon, Davao Oriental at nagtapos ng abogasya mula sa University of the Philippines noong 1974.

Bago mahirang sa CA, nagsilbi siya bilang hukom ng Batangas Regional Trial Court noong 1995 hanggang siya ay maitalaga bilang hukom sa Makati RTC noong 2002.

Pinalitan ni Barza sa puwesto si dating CA Presiding Justice Andres Reyes Jr., na nahirang naman bilang mahistrado ng Korte Suprema.

Si Barza ay pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?