13
Abante-VisMin-Radar-fernald-rovillos
By

Romblon mayor, kinasuhan ng graft sa maanomalyang pagbili ng binhi

Sharing is caring!

Ipinagharap ng kasong graft sa Sandiganbayan si San Andres, Romblon Mayor Fernald Rovillos dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga binhi na nagkakahalaga ng P550,000 noong 2014.

Bukod kay Rovillos, kasama ring kinasuhan ang noo’y municipal accountant na si Melinda Gaac, municipal planning and development officer Mary Claire Mortel, Bids and Awards (BAC) Committee chairman Caezar Valiente, BAC vice chairman Gay Tan, at BAC member Genny Rose Vergara, gayundin ang may-ari ng Perlas Seed Growers na si Reynaldo Perlas.

Base sa reklamong isinampa ng Office of the Ombudsman, pinaboran ni Rovillos at mga kapwa akusado nito sa Perlas Seed Growers nang bilhin ang 10,000 piraso ng Bitaog seedlings na nagkakahalaga ng P550,000.

Ayon sa prosekusyon, ibinigay ang kontrata sa Perlas Seed Growers sa pamamagitan ng direct contracting kahit walang ceritification mula sa Department of Trade and Industry, na wala nang ibang kumpanya ang nag-alok ng parehong binhi sa mas murang halaga.

Natanggap din umano ng Perlas Seed Growers ang kabuuang bayad mula sa lokal na pamahalaan kahit kulang ang nai-deliver na Bitaog seedlings.

“The actions of Rovillos and his co-accused caused disadvantageous terms to the government and violated the Government Procurement Reform Act and Commission on Audit Circular No. 2012-001,” ayon sa prosekusyon.

Tatlumpung libong piso ang inirekomendang piyansa ng Ombudsman para sa bawat isa sa mga akusado sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?