74

Feb 17, 2020 @ 10:39
By

Romano, 3 pa angat sa LGBA series

Malinis pa rin sa mga kartadang 3-0 (panalo-talo) ang apat na gamefowl breeder sa opening round ng 2020 Luzon Gamecock Breeder Association Cocker of the Year series nitong Biyernes sa Pasay City Cockpit.

Mga kasapi naman ng LGBA ang pupupog sa round two para sa darating na Biyernes, Pebrero 21 samantalang sa Peb. 28 ang grand finals.

Inihayag nitong Linggo ni LGBA president Nick Crisostomo, na isang seven-cock derby ang opening leg na mga suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Abante sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Hector Magpantay ng Hammer Dewormer, Boy Tanyag ng CRB at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores/ ng Team Jared Guadalupe.

May 2.5 pts. naman ang RM San Vicente entry at nakadala sina Tony Antonio, Joseph Chua, Rey Magbuhos, Jimmy Junsay, Jimmy Gosiaco, Jun Sevilla, Doc Ayong Lorenzo, KMC brothers, Wilson Go, Bok de Jesus, Gerry Escalona at Rep. JB Bernos.

Makipag-ugnayan kina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939-4724206, 8843-1746 at sa 8816-6750 para sa iba pang mga detalye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?