54

Dec 28, 2018 @ 19:35
By

Romance novelist Nicholas Sparks binati sina Miley-Liam

Masaya si American author Nicholas Sparks nang malaman ang pagpapakasal nina Miley Cyrus at Liam Hemsworth kamakailan lang.

Si Sparks ang siyang sumulat ng nobelang “The Last Song” na isinapelikula kung saan bumida sina Cyrus at Hemsworth.

Sa “The Last Song” din nagsimula ang real love story nina Miley at Liam.

Ilan sa mga kilalang nobela ni Sparks na ginawang pelikula ang “The Notebook,” “The Best of Me,” “A Walk to Remember,” at “The Lucky One.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?