56

Oct 30, 2020 @ 9:59
By

‘Rolly’ posibleng umabot sa Signal No. 4

Maaaring ilagay sa Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) No. 3 at 4 ang ilang bahagi ng bansa dahil sa inaasahang paglakas pa ng bagyong Rolly, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Biyernes.

Sa kasalukuyan ay wala pang lugar ang inilalagay sa TCWS pero Biyernes ng gabi posibleng itaas ang Signal No. 1 sa Bicol region dahil sa inaasahang near-gale conditions dulot ng bagyo.

“Given that it is likely for this typhoon to continue intensifying prior to landfall, the highest possible TCWS that will be raised throughout the passage of this typhoon will be TCWS No. 3 or 4,” saad ng Pagasa.

Bago noon ay nagpahayag na ang Joint Typhoon Warning Center ng US Navy na maaaring lumakas bilang “super typhoon” si “Rolly” bago pa mag-landfall sa Luzon sa Linggo o Lunes.

Huling naispatan ang mata ng bagyo sa 1,195 kilometro silangan ng Central Luzon, na may lakas ng hangin na 140 kph at pagbugsong hanggang 170 kph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?