58
Abante-VisMin-Radar-roller-coaster

Roller coaster sa Japan huminto, mga pasahero naiwang nakabaligtad

Sharing is caring!

Halos dalawang oras nakatengga nang pabaligtad ang riders matapos huminto ang roller coaster ng Universal Studios Japan sa Osaka.

Ayon sa report ng Japan Times, na-rescue naman ang mga ito at walang nasaktan sa may 60 pasaherong sakay ng Jurassic Park-inspired Flying Dinosaur roller coaster na tumigil dakong alas-4:45 ng hapon.

Nangyari na rin ang kaparehong isyu sa naturang roller coaster noong Agosto at Setyembre ng nakaraang taon.

Isang carriage nito ang huminto, may 20-30 metro ang taas habang nakabaligtad ang posisyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?