46

Jan 19, 2020 @ 14:50
By

Rollback sa produktong petrolyo sa Martes

Nakatakdang magbaba na naman ng presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa Martes ng umaga.

Nag-anunsyo na ang Petro Gazz na magbabawas sila ng ₱1.70 kada litro sa diesel habang nasa ₱0.85 kada litro naman sa gasolina na magsisimula sa isang araw, Enero 21, 2020 ng 6:00 ng umaga.

Nasa ₱1.70 kada litro sa diesel habang nasa ₱0.85 kada litro sa gasolina ang ibababa ng Shell at nasa ₱1.65 per liter naman sa kerosene.

Ang Cleanfuel at Seaoil ay nag-anunsyo na ibaba sa ₱1.70 kada litro ang diesel habang nasa ₱0.90 per liter ang ibaba sa gasolina.

Epektibo naman sa Lunes ang pagbaba ng kerosene sa ₱1.65 per liter ayon sa Seaoil habang ang rollback ng Cleanfuel ay nagsimula na mamayang 4:00 ng hapon, Linggo.

Ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay base sa paggalaw sa world oil market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?