ABANTE fuel oil petrolyo gas price increase
By

Rollback sa presyo ng petrolyo, ipapatupad sa Martes

Sharing is caring!

Bababa muli ang presyo ng petrolyo bukas, Hunyo 12.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, bababa ng P0.55 ang bawat litro ng gasolina.

Bababa naman ng P0.60 ang kada litro ng diesel at P0.60 din ang mababawas sa presyo ng kerosene.

Magiging epektibo ang bawas-presyo bukas ng alas-6 ng umaga.

Noong nakaraang linggo, Hunyo 2, nasa P1 ang average ng ibianba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Bunsod ito ng pagbaba ng presyo nito sa world market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?