34

Nov 17, 2019 @ 15:15
By

Rollback sa diesel, kerosene, aarangkada

Muli na namang magbababa ng presyo sa produkto ng diesel at kerosene habang tataas na naman ang presyo ng gasolina, epektibo sa Martes.

Ito ang inanunsyo ng Petron Corporation noong Sabado kung saan apektado ang presyo ng gasoline na aangat ng P0.80 kada litro habang baba naman ang diesel ng P0.30 kada litro at kerosene na nasa P0.20 kada litro ang ibababa.

Epektibo ang pagpapatupad ng rollback at price hike sa Martes, Nobyembre 19 na magsisimula bandang alas-6 ng umaga bunsod na rin ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa World market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?