123

Nov 24, 2021 @ 21:55

Rolex muntik na! Alapag, misis, ninakawan ng alahas

Nilantad ni LJ Moreno, misis ni Jimmy Alapag, ang masamang nangyari sa kanila noong maglipat-bahay sila sa California.

Sa Youtube vlog na ‘The WanderMamas’ kasama si Ruffa Mae Quinto, kinwento ni LJ ang karanasan sa nakuha nilang mover o nag-aayos ng gamit para sa kanilang lilipatang bahay.

Ayon kay LJ, nilagay niya ang Rolex na relo ni Jimmy at dalawang singsing sa kanilang drawer bago siya maligo.

Dumating ang apat na mover at doon napansin ni LJ na nawala na ang singsing.

“Pag-akyat ko, wala na yung bench under that [drawer], kasi, apparently, pumasok yung movers, kinuha. Hindi ko naman din naisip na papasok sila,” kwento ni LJ.

Buti na lang daw ay hindi napagdiskitahan ang Rolex ni Alapag.

Nagreklamo na ang dating aktres sa moving company dahil sa posibleng pagnanakaw sa kanilang gamit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: